When you felt like dying
Walking almost 10 blocks just to get a ride home is something I don't like to do - but I have to unless I want to sleep on a park bench in a place I barely knew existed in the map.
Yes. I almost had that thought in mind but remembered I had 100 pesos in my pocket so I can still manage na makauwi.
Ang weird lang talaga ng utak ko.
While walking that long dreaded street named after a tree - napapaisip ako ng masasamang thoughts. Hindi green stuff or paranormal, yung mga bagay na dapat iwasan ko talaga isipin dahil nakakasama saken - suicidal thoughts.
Oo. May depression ako, moderately severe pa nga according sa psychologist ko. Kaya minsan ayoko naglalakad mag isa dahil naiisip ko yun.
Naiisip ko paano kaya kung mawala nalang ako? would that make the world I live in a much better one without me ?
Isa akong malaking pabigat sa lahat - maganda nga mawala ako.
Sa totoo lang ayoko mag share ng ganito sa inyo dahil feeling ko parang hinubaran ko na sarili ko - seryoso ako dun. Pakiramdam ko pag sinabi ko sa inyo to may iba na hindi maniniwala o sasabihin gawa gawa ko lang to. Nasasaktan ako kasi binibiyak ko yung sugat na tinabunan ko na dati para mas makilala nyo ako, pero natatakot ako na pagtawanan. Kaya minsan akala ng iba ang plastic ko kasi kahit na galit ako o malungkot nakangiti pa rin ako - ayoko kasi na makikita na mahina ako, na hindi ako perfect.
Kaya minsan naiisip ko yun mga masasamang bagay. Kasi alam ko na mali ako. Hindi ako perfect, but I'm trying to be.
Para akong sira minsan kasi hindi na talaga ako nakakatulog sa kakaisip. May magandang thoughts, good vibes at kung ano ano pa - tapos biglang sabay yung mga masasama.
Ganun ang depression, para syang cancer na paunti unti kang pinapatay sa loob. Kaya minsan naiiyak ako sa sarili ko kasi para akong baliw - sa labas ang saya saya ko para sa iba, pero pag sa akin pakiramdam ko unan ko lang ang nakakaintindi sa akin.
Mabasa man to ng mga kakilala ko wag nyong iisipin na mag tatangka ako - hindi pa ako ganun kabaliw ha! Siguro dala na din ng pagod tong naisulat ko. Pagod na almost 10 blocks ang nilakad ko habang kumakanta para mawala yung maasamang bagay na naisip ko.
Kaya please lang wag nyo ko hayaan maglakad ng malayo mag isa. Bigyan nyo ko ng mp3 na punong puno ng good vibes na music o samahan nyo ko - para at least kung pumasok sya sa utak ko maiiba ang usapan.
ayos ba yun?
Comments